Biyernes, Setyembre 19, 2014



MODERNISMO AT POST-MODERNISMO 

Ang Modernismo na katangian ay hindi lamang nakikita sa paraan ng pagsulat, makikita rin ito sa ating lipunan ngayon. Katulad ng mga bagong takbo ng ating panahon, marami na ang nagbago pati na rin ang mga galaw at mga paniniwala ng mga tao. Halimbawa, ang ating pananamit at mga hairstyle ay nagbago na dahil sumusunod tayo sa nauuso sa ating panahon. Ang ating kagustuhan ay nag-iiba bawat araw dahil sa kasawaan ng nakaraan. Ang ganitong pag-iisip ay katumbas din ng panunulat. Ang mga kagustuhan at diskarte ng mga manunulat ay nag-iiba dahil sa takbo ng ating panahon at panibagong mga uso sa lipunan. Kung dati, ang tradisyonal na pagsulat ay may taglay na konserbatibong mga pananaw, sa panahon ngayon ay mas liberated na ang mga pag-iisip ng tao kung kaya't sumusunod ang pagsulat sa kagustuhan ng tao. Ang tradisyonal na mga pagsulat ay mas nakaugnay sa kalikasan, sa mga panahon ngayon ang ganitong pagsulat ay medyo boring na dahil sa pagiging old-school ng mga storya o paraan ng pagsulat nito. Ang Modernismo naman ay isang mas seryoso anyo ng panunulat ngunit ito ay mas up-to-date kumpara sa tradisyonal na panunulat.

Ang Post-Modernismo ay naiiba sa Modernismo sa mga aspeto na mas palabiro ang paraan ng pagsulat ng Post-Modernismo kumpara sa pagsulat ng Modernismo na mas seryoso. Sa tingin ko, ang Post-Modernismo ay mas angkop sa panahon ngayon dahil sa kagustuhan ng mga tao ng pagkakatuwaan. Ang Modernismong pagsusulat ay masyadong seryoso at minsan kailangan ng mas malalim na pagkakaintindi dahil sa taglay nitong mga simbolismo at mga tayutay. Ang Post-Modernismo ay mas nagbibigay-aliw dahil sa mga katangian nitong straight-forward. Mas masayang basahin ang ganitong mga storya dahil nauugnay sa totoong buhay ang mga storya ng post-modernismo dahil ito ay maiintindihan agad sa isang basa lang, hindi kagaya ng modernismo na tila kailangan pang maka-solve ng puzzle upang maintindihan ang sinasabi ng manunulat. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento