Source: Google Images
KULTURANG POPULAR (POP CULTURE)
Ang kulturang popular ay importante lalo na sa mga manunulat ng post-modernismo. Ang kakayahang isama ang kulturang popular sa pagsulat ng post-modernismo ay mas mapapaganda ang pagka-interesting nito sa mga mambabasa, lalo na sa mga kabataan ngayon na sinusubaybayan ang mga iba't ibang kulturang popular.
Ang mga kulturang popular ay hindi lamang makikita sa pagsulat, makikita rin ito sa iba't ibang mga bagay katulad ng mga bagong teknolohiya at mga bagong trends o pananamit. Ang pagsusulat ng post-modernismo ay nagbibigay pagkakataon na ihayag ang mga pinaguusapan ng mga tao at ang mga uso sa kapanahunan na iyon. Ito ay mas babasahin ng mga kababayan natin dahil lahat naman tayo ay sumusunod sa uso at walang gustong maging laos. Ang panunulat ng post-modernismo ay nagiging mas nakalilibang kapag inihahambing sa mga uso sa panahon ngayon o kaya ang kulturang popular.
Ang kulturang popular ay makikita rin sa mga sining, katulad ng litrato sa itaas na madaming kulay at may simbolo ng mga popular na superhero katulad ni superman. Ang mga iba't ibang kulay ay nagsisimbolo ng iba't ibang mga uso ngayon sa panahon natin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento