Biyernes, Setyembre 26, 2014

SOURCE: Google Images

MGA SIMBOLO AT SIMBOLISMO

Ang mga simbolo sa litrato ay karaniwang nakikita sa mga daan para makita ng mga tao ang pwede/hindi pwedeng gawin. Kagaya ng no u-turn sign, ngunit ang mga simbolo na ito ay straight forward ang kahulugan. Meron rin namang mga simbolo na kailangan ng mas matinding pagsusuri upang maintindihan ang kahulugan. 

SOURCE: Google Images

Katulad ng painting ni Edvard Munch na "The Scream", akala natin na walang simbolismo, ngunit meron rin itong mas malalim na kahulugan. Si Edvard Munch ay isang expressionist na pintor at sya ay may problema sa kanyang utak. Ang kanyang painting ay nangunguhulugang ng kanyang mga taimtim na mga nararamdaman. Nilagay nya ang mga iba't ibang kulay dahil sa mental nyang kalagayan. Ang sumisigaw na tao ay ang kanyang mga damdamin na hindi makalabas dahil sa kanyang kondisyon. Marami tayong nakikitang mga simbolo na may mas malalim na kahulugan kaysa sa nakikita lamang natin, kailangan nating isiping mabuti ang kalagayan ng isang tao bago natin husgahan ang nakikita natin. 

Ang mga simbolo ay hindi lamang sa mga nakikitang bagay, pwede rin naman sa mga galaw ng tao, o mga posisyon natin sa hapag-kainan o kaya sa mga posisyon natin sa klase. Minsan, ang mga maiingay sa klase ay ilalagay sa harap para hindi sila makaistorbo sa klase at makita agad ng guro. At minsan rin naman, iniiwasan ka ng crush mo dahil alam nyang may crush ka sa kanya at ayaw nya sayo. WAG LANG MAG-ASSUME KUNG WALANG BASEHAN!!!

KULTURANG POPULAR

Source: Google Images

KULTURANG POPULAR (POP CULTURE)

Ang kulturang popular ay importante lalo na sa mga manunulat ng post-modernismo. Ang kakayahang isama ang kulturang popular sa pagsulat ng post-modernismo ay mas mapapaganda ang pagka-interesting nito sa mga mambabasa, lalo na sa mga kabataan ngayon na sinusubaybayan ang mga iba't ibang kulturang popular. 

Ang mga kulturang popular ay hindi lamang makikita sa pagsulat, makikita rin ito sa iba't ibang mga bagay katulad ng mga bagong teknolohiya at mga bagong trends o pananamit. Ang pagsusulat ng post-modernismo ay nagbibigay pagkakataon na ihayag ang mga pinaguusapan ng mga tao at ang mga uso sa kapanahunan na iyon. Ito ay mas babasahin ng mga kababayan natin dahil lahat naman tayo ay sumusunod sa uso at walang gustong maging laos. Ang panunulat ng post-modernismo ay nagiging mas nakalilibang kapag inihahambing sa mga uso sa panahon ngayon o kaya ang kulturang popular. 

Ang kulturang popular ay makikita rin sa mga sining, katulad ng litrato sa itaas na madaming kulay at may simbolo ng mga popular na superhero katulad ni superman. Ang mga iba't ibang kulay ay nagsisimbolo ng iba't ibang mga uso ngayon sa panahon natin. 

Biyernes, Setyembre 19, 2014



MODERNISMO AT POST-MODERNISMO 

Ang Modernismo na katangian ay hindi lamang nakikita sa paraan ng pagsulat, makikita rin ito sa ating lipunan ngayon. Katulad ng mga bagong takbo ng ating panahon, marami na ang nagbago pati na rin ang mga galaw at mga paniniwala ng mga tao. Halimbawa, ang ating pananamit at mga hairstyle ay nagbago na dahil sumusunod tayo sa nauuso sa ating panahon. Ang ating kagustuhan ay nag-iiba bawat araw dahil sa kasawaan ng nakaraan. Ang ganitong pag-iisip ay katumbas din ng panunulat. Ang mga kagustuhan at diskarte ng mga manunulat ay nag-iiba dahil sa takbo ng ating panahon at panibagong mga uso sa lipunan. Kung dati, ang tradisyonal na pagsulat ay may taglay na konserbatibong mga pananaw, sa panahon ngayon ay mas liberated na ang mga pag-iisip ng tao kung kaya't sumusunod ang pagsulat sa kagustuhan ng tao. Ang tradisyonal na mga pagsulat ay mas nakaugnay sa kalikasan, sa mga panahon ngayon ang ganitong pagsulat ay medyo boring na dahil sa pagiging old-school ng mga storya o paraan ng pagsulat nito. Ang Modernismo naman ay isang mas seryoso anyo ng panunulat ngunit ito ay mas up-to-date kumpara sa tradisyonal na panunulat.

Ang Post-Modernismo ay naiiba sa Modernismo sa mga aspeto na mas palabiro ang paraan ng pagsulat ng Post-Modernismo kumpara sa pagsulat ng Modernismo na mas seryoso. Sa tingin ko, ang Post-Modernismo ay mas angkop sa panahon ngayon dahil sa kagustuhan ng mga tao ng pagkakatuwaan. Ang Modernismong pagsusulat ay masyadong seryoso at minsan kailangan ng mas malalim na pagkakaintindi dahil sa taglay nitong mga simbolismo at mga tayutay. Ang Post-Modernismo ay mas nagbibigay-aliw dahil sa mga katangian nitong straight-forward. Mas masayang basahin ang ganitong mga storya dahil nauugnay sa totoong buhay ang mga storya ng post-modernismo dahil ito ay maiintindihan agad sa isang basa lang, hindi kagaya ng modernismo na tila kailangan pang maka-solve ng puzzle upang maintindihan ang sinasabi ng manunulat.