Biyernes, Oktubre 3, 2014

Importansya ng Post-modernismo at Kulturang Popular

Hindi masyadong naiintindihan ng mga kabataan ngayon ang importansya ng post-modernismo dahil sa paglaganap ng iba't ibang moda ng teknolohiya. Ngunit, kung ipasok ng mga manunulat ang mga kagustuhan ngayon ng mga tao/kabataan o kaya ang mga uso ngayon, maiintindihan natin ng mas maagap ang mga post-modernismong panitikan.

Ang post-modernismo ay hindi lamang makikita sa panitikan kundi sa telebisyon din at internet. Ang iba't ibang mga larawan na tradisyonal ay meron nang mga post-modernismong counter part. Ang mga iba't ibang mga litrato na ginawa ng mga tradisyunal na pintor ay nagagawan na ng counter part ng mga post-modernismong pintor. Ang post-modernismong katangian ay makikita rin sa mga bagong mga pelikula ngayon na mayroon ng sense of humor dahil sa pagkakaiba ng panahon ngayon. 

Ang post-modernismo ay hindi lamang nakikita sa panitikan, makikita rin ito sa kung anong mga ginagawa natin o mga bago nating kagustuhan. Katulad ng panahon at mga tao, ang panitikan ay lumalago at lumalaki upang mas makita ang kakayahan ng Pilipinong Panitikan.

Post-modernismo at Kulturang Popular




Ang post-modernismo ay lumalago na lalo dahil sa mga interpretasyon nito na nakaka-relate sa mambabasa. Ang mga iba't ibang katangian ng post-modernismo ay ang paghahayag nito ng palabiro na mga aspeto sa pagsulat. 
Ang post-modernismo ay naihahayag din ang importansya ng Kulturang Popular. Ang mga iba't ibang mga tula kagaya ng tulang Eureka ay naghahayag ng post-modernismong anyo ng pagsulat. 

Para sa akin, ang post-modernismo ay mas napapakita ang mga kagustuhan ng mga tao ngayon, dahil sa lumalagong panahon at sa pag-iba ng mga trends dapat mag-adjust rin ang mga manunulat upang hindi mawala ang panitikan. 

Sa aking pananaw, ang kulturang popular ay marami naring anyo ng post-modernismo na ipinapakita. Katulad ng pinakita sa amin ng aming guro na mga commercial, ang mga aspeto at katangian nito ay napaka post-moderno. Ang pag gamit ng iba't ibang mga simbolismo at mga simbolo ay maipapakita kahit medyo palabiro ang pagpahayag nito. Nakaka-aliw ang mga iba't ibang commercial na gumagamit ng post-modernismong anyo dahil naipapahayag ang kagustuhan ng mga tao ngayon at ang paglaganap ng kulturang popular.